Pangalawang Kabanata: Tinamaan ng Puberty

Monday, Dahil mas maaga siya kung magising sa kuya Alex niya, siya ang naunang maligo. Shampoo-sabon-toothbrush, kaya niyang matapos maligo sa loob ng pitong minuto. Hindina siya tumitingin sa salamin, simula kasi ng mag maging ganap na siyang dalaga dalwang taon na ang nakakalipas, naging isang ganap na din siyang tighiyawatin. Sabi ng lola Mela niya, labhan daw niya ang panty niya na may unang dugo at ihilamos sa kanyang muka ang pinag banlawan. Ito daw ay upang hindi siya tubuan ng pimples. Pikit mata niyang ginawa ang sinabi ng lola niya, hanggang sa iyon, galit na galit at mukang nag aaklas ang mga tighiyaway niya sa noo at sa kanyang baba, siguro dahil sa sobrang diri niya sa ginagawa niya noon, sa pisnging lang nila naihilamos ang pinag banlawan. Ang kanyang pisngi ay makinis, sobrang kintab, sobrang mamantika kaya shiny. Hindi niya talaga gusto ang kanyang itsura. Napaka itim din niya, inaamin naman niya na mahilig siyang mag laro sa labas, minsan pa ay nakikipag sabayan siya sa kanyang mga kaibigan para mag laro ng basketball kaya napakaitim niya. Kung ano ang initim niya ay siya namang mas initim ng tuhod niya. Noon ay wala siyang pakeelam pero nitong mga nakaraan, napapansin niya na halos lahat ng kasing edad niyang babae ay marunong ng pumustura. Makintab ang buhok ng mga ito, ang kanya ay malaambre. Marunong ng mag pulbo, blush-on, at lipstick. Siya, ang pulbo ay nilalagay pa sa likod at dibdib – yung tipong buo pa kasi binuhos lang. Ang nanay niya ay maganda ang kutis, mahilig ito sa mga produkto ng pang paganda, ang kapatid niya at ang tatay niya ay sadyang mapuputi din, siya lang yata ang naiiba. Sikat Si Alex, Stephen, at Josh sa school nila noong doon pa nag aaral ang mga ito. Gwapo, athletic, musically inclined, matalino, friendly, at masayang kausap ang mga ito. Hearthrobs kung tawagin. Pabor sakanya kasi sinusuhulan siya ng mga babae na gustong mapalapit sa mga ito, kahit halata namang napapangitan ang mga ito sakanya. Ngunit ng maka graduate ang mga ito ng highschool, parang naging pader na din si Trisha. Walang pumapansin sa kanya. Nasa third year highschool na siya at second year college na ang mga ito. Isang bwan na lang at fourth year na siya. Titiisin na lang niya at makakaalis na siya sa eskwelahan na iyon. Isang beses niyang pinasadahan ng suklay ang buhok at lumabas na.

Pag labas niya ng kwarto ay nakatingin sakanya ang kuya niya na kakalabas lang din ng kwarto para maligo.

“Ano?” Tanong niya.

“Trish. Bakit ako yung hindi pa naliligo pero mas muka akong fresh sayo.” Sabi nito sakanya. Hinampas niya ito ng panyo na tutupuin palang niya. Umiwas ito pero natamaan pa din.

“Bwiset!” natatawang sabi niya. Maganda ang gising niya kaya hindi siya napikon.

Bumaba na siya ng kwarto at nakitang nag hahanda na ng pag kain ang kanyang lola Mela katulong si Nanay Asya – ang yaya ng kanyang ama na hanggang ngayon ay kasama pa din nila dahil hindi na nakapag asawa, pamilya na turing nila dito.

Her lola Mela has the money, kaya nitong bumili ng mansyon sa kung saan nito mapili ngunit mas gusto nito na sumama sakanila, mag isa nalang kasi ito sa buhay dahil namayapa na ang lolo niya sa sakit sa puso may sampung taon na ang nakakaraan. Malaki na ang ipon nito sa banko dahil sa business na pag mamayari nito at ng lolo niya. Ang mga ito ay may isang private resort at hospital na pag pinamamahalaan na ngayon ng kanyang ama. Ang kanyang ina ay galing sa mas simpleng pamilya. Teacher ang lola eva niya at accountant naman ang lolo emer niya. Hindi na niya ito naabutan sapagkat namatay ang mga ito sa isang vehicular incident noong college palang ang kanyang ina. Ang tita Helen, ang ina ni Stephen na panganay at nag iisang kapatid ng kanyang mama, ang bumuhay at nag taguyod sakanyang ina. Ang kanyang mama ay nag tayo ng sarili nitong restaurant na tinawag nitong Angela’s Cafè na hango sa sarili nitong pangalan. Nag umpisa ito noong seven years old palang siya, itinaon sa kanyang 7th birthday ang opening. Ngayon ay may anim na itong branch sa iba’t ibang lugar sa Luzon.

“Magandang Umaga lola Mela, Nanay Asya.” Nakangiting bati niya sa mga ito saka siya nag mano.

“Aba! Ang aga ng maganda kong apo ah!” Nakangiting bati ng lola Mela niya. Paborito siya nito dahil ang daddy niya ang nag iisang anak nito at lalaki pa. Bahagyang kumunot ang ilong niya. Gusto niyang masuka sa “maganda” at napansin naman iyon ni Nanay Asya.

“Oh. Bakit parang narimarim ang muka mo? Maganda ka naman talaga apo.” Sabi nito na hinaplos ang kanyang buhok.

“Naman! Tumingin ako sa salamin kanina at hindi yan ang sinabi niya. Kitang kita ko po! Napaka sama ng itsura ko.” Himutok niya.

“Sinong nag sabi na masama ang itsura ng anak ko?” Tinig iyon ng kanyang ama. Mukang kakaligo din lang nito at kaswal ang itsura sa pants at polo. Humalik ito sakanyang buhok at binati siya. “Sinungaling ang salamin na yun anak. Hayaan mo at ipapabasag ko na.”

“Morning dad!” sabi niya na nakangiti. “ Wala kang pasok?” tanong niya.

“Sasamahan ko ang mama mo sa Pampangga. Titignan daw niya ang branch doon.” Umupo na ito sa kabisera. “Sarap naman ng ulam mga nanay!” Sabi nito sa itol, hotdog, tocino, at tuyo na nakalatag sa mesa.

“Ku! Itong nanay mo kasi! Napakaagang nagising! Gusto daw niya mag luto. Ayan at napaka daming inihanda.” Sabi Nanay Asya. Turo nito sa kanyang lola.

“Aba! E kailangan ni Angela at Gabby ng lakas at pupunta sila sa malayo ngayon.” Sabi nito.

“Salamat mga nanay! Ang swerte ko at dalawa ang nanay ko” Sabi ng daddy niya. Nakangiti siya sa mga ito. Ang sarap mag karoonng mapag mahal na pamilya. “Upo na kayo at sabay sabay na tayo kumain.” Tumayo ang kanyang ama at ipinag hila ang matatanda ng upuan. Ang kuya niya ay pababa na din ng hagdan ng tumunog ang doorbell, ito na din ang lumabas upang tignan kung sino ang bisita.

“Good Morning po mga nanay, tito Gab!” Masayang bati ni Stephen at Justine. Nag mano ang mga ito.

“Uy! Trish! Magandang umaga!” Bati ni Justine sakanya. Nginitian niya ito ng tipid. “Parang may nag bago sayo.” Sabi nito sakanya.

“Ano?” Nakakunot ang noong sabi niya.

Lumapit ang muka nito sakanya at tinitigan siyang mabuti. “Itong pimple na to. Bago ‘to no? Wala ‘to kahapon e.” Turo nito sa pimple niya. Tinulak niya ang noo nito.

“Napaka walanghiya mo talaga! Daddy oh!” Sumbong niya sakanyang dadyy. Tumatawa ang kuya Stephen at Kuya Alexis niya. Nakangiti din ang kanyang lola at si nanay Asya.

“Cute naman yung pimple na yan ah. Kaya pala parang ang ganda mo ngayon lalo, anak.” Nakangiting sabi nito. Lalong lumakas ang tawanan ng mga ito na ikinasimangot niya.

“Hoy kayo! Wala na kayong ginawa kung hindi asarin si Trish.” Sabi ng mama niya na ngayon ay nakabihis na. “Anak, wag ka mag alala, ipapa derma kita.” Napangiwi siya. Sinubukan niya yun at napaka sakit talaga. Tinusok tusok ang mga muka nita. Halos umiyak siya buong session, hindi na niya sinubukan ulit ang facial.

Natawa naman lalo ang mga lalaki. “Ma! E namaga lang naman muka ni Trisha dun. Walang pinag iba.” Nakatawang sabi ni Alex. Gusto niyang sumangayon sa kanyang kuya.

“Hindi mo naman kasi itinuloy anak.” Sabi ng mama niya.

“Tiis ganda. Ganern.” Nilambutan pa ni Stephen ang boses na kunyari ay bakla na nag papayo.

“Hay nako. Kayo talaga. Tigilan ninyo na si Trisha” Naka ngiting sabi ng lola niya. “Normal iyan sa pag dadalaga, apo.” Sabi nito sakanyan.

“Oo. Nung kabataan ko din naman ay talagang napag daanan ko din yan. Kuminis din naman ang aking muka pag tapos.” Si lola Asya.

“Apo, mas mabuti na maganda ang iyong puso kesa sa iyong muka.” Napangiti siya sa lola. “Pero syempre mas mabuti kung maganda parehas.” Natatawang sabi nito. Nag tawanan din ang lahat kaya kahit siya ay natawa.

“Lola naman eh!” Sabi niya na na hindi matanggal ang ngiti sa kanyang labi.

“Oh siya. Kayong dalawa ay kumuha na ng plato ninyo sa kusina.” Utos ni lola Asya sa dalawang bisita na sinunod naman ng mga ito.

Nakangiti siyang inumpisahan na ang pag kain. Tama ang mga ito, she has a good heart, the beauty on the inside reflects on the outside, so she’s beautiful on her own way.

Advertisements

One thought on “Pangalawang Kabanata: Tinamaan ng Puberty

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s