Unang Kabanata: Kabataan

“Hoy Trisha!” tawag ng kaibigan niyang si Justine.

“Ano!?” Iritable niyang sagot. Hindi niya maipaliwanag kung bakit pero ang init ng ulo niya. Nilingon niya ito at nakita niyang nakatayo ito sa tapat ng tindahan ni aling elsa. May hawak pa itong chi-chirya at plastic na may lamang softdrinks. Kasama nito ang pinsang niyang si Stephen at ang kuya niyang Si Alexis. Alas cuatro na ng hapon noon at mukang mag lalaro ang mga ito ng basketball.

“Ang sungit mo naman! Mainit nanaman ang ulo mo siguro hindi ka nanaman naligo!” Pang aasar nito sakanya. Lalong uminit ang ulo niya sa sinabi nito. Tinanggal nya ang tsinelas at ibinato kay Justine. Umilag ito. Nang nakita nitong tumatakbo siya palapit ay tumakbo din ito palayo. Ngunit sadyang mabilis siyang tumakbo at nahila niya agad ang jersey nito na may nakasulat na “Mapascua 23”

“Bitawan mo nga yung damit ko” sabi nito na pilit hinihila ang damit palayo sa kanya.

“Ako Justine, hindi ako nakikipag biruan sayo.” Sabi niya na sinisipa-sipa ang lalaki. Bakit ba iritang irita siya dito. Well, lagi naman itong nakakairita pero kakaiba ang irita niya dito ngayon.

Tatawa tawang tinitignan lang sila ng kuya at pinsan niya.

“Hoy tama na yan!” Saway ni Nanay Elsa. “Ikaw Trisha, kababae mong tao, kung makipag away ka ‘dyan kay Justine daig mo pa ang lalaki.” Sabi nito sa kanya.

“Aling Elsa naman! Simula yata natuto ako mag salita, kaaway ko na itong ungas na ‘to.” Sagot niya sa matanda. Totoo iyon. Kababata nila ito ng kuya at pinsan niya. Itong mga ito nga yata ang dahilan kung bakit madalas ay napag kakamalan siyang tomboy. Nung bata pa sila ay puro pisikal na laro ang pastime nila. Hindi nga niya naranasan mag laro ng lutu-lutuan. Sekyo, taguan base, gagamba, at kung ano ano pa ang itinuro ng mga ito sakanya. Nung lumaki na sila ay chess, basketball, billiards, baseball, at kung ano-anong computer games naman ang ipinasok ng mga ito sa kokote niya. Sabay-sabay din silang nag enrol sa karate noon.

” Pero ineng, trese anyos ka na. Nasa edad ka na ng pag dadalaga.” Sambit ng matanda.

“Nanay Elsa, akala nyo lang nag dadalaga pero nag bibinata yan.” Sagot ni Stephen niya. Nag tawanan ang tatlo na lalo niyang kinainis.

“Kuu! E tignan nyo nga at ang katawan ay nag iiba na.”

“Tinutubuan na ng adam’s apple!” Tawang tawang sabi ni Alex. Tumatawa din si Justine na hawak pa din niya ang damit. Dahil ito ang pinaka malapit sa kanya, binigyan niya ito ng isang nang-gigil ngunit pinigilan ang lakas na suntok sa panga.

“Aray!” Daing nito habang natatawa.  Binitawan na niya ito at saka bumalik sa loob ng kanilang bahay.

“Pikon!” Dinig niya pang sabi nito. Nangangasim siya at nakakainis na hindi man lang siya nakabili ng mangga. Sinira ng mga ito ang mood niya.

 

Nakahiga si Trisha sa sofa. May dalawang oras na ang nakakaraan simula ng pumasok siya sa bahay nila pag tapos niyang mapikon sa mga kaibigan, hindi na siya mapakali. Masakit na masakit ang tiyan at ulo niya.

Narinig niya ang pag bubukas ng gate. Malamang ay tapos na mag basketball ang mga kumag at dating gawi, kakain at tatambay ito sa bahay nila.

“Trisha! bumili kami ng pansit kay Manong Jun! Kain tayo.” Sabi ng kuya niya. Wala sa sariling tumayo siya. Hindi siya nagugutom ngunit gusto niya ng pansit.

“Bakit ganyan itsura mo?” Tanong ni Alexis sakanya. “Namumutla ka.” Sabi nito.

“Wala.” Tumalikod na siya sa mga ito para kumuha ng plato.

“Trisha! May sugat ka!”

“Ano nangyari sayo!”

Sabay sabay na lumapit ang mga ito sakanya na nag aalala.

“Ma! Si Trisha ma! May sugat siya.” Sigaw ng kuya niya.

Humahangos na tumakbo ang kanyang inang si Rosa.

Sugat? May sugat siya? Saan siya na sugatan? Masakit ang ulo at tiyan niya, hindi niya maintindihan ang mga nang yayari. Nilapitan siya ng kanyang ina at itinuro ng mga lalaki ang shorts niya. Nilingon niya din ito. Nanlaki ang mata niya. Ang daming dugo.

“Mga lintik kayo! Akala ko naman kung ano nang yari!” Gigil na sabi ng nanay niya. “Alexis, bumili ka ng napkin kay Aling Elsa. Nireregla na ang kapatid mo.” Sabi nito sa kuya niya at inabutan ito ng pera.

Walang nag salita sa kanila. Tahimik. Ang kuya niya ay lumabas ng hindi nila napapansin.

Nang araw na iyon, sabay-sabay nilang napatunayan na may matres si Trisha. Na hindi maitatago o mapipigilan ng kagaspangan ng ugali niya na isa na siyang ganap na dalaga.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s